5 araw 5 gabi: Talaarawan ng Dating Tayo

784 27 2
                                    

5 ARAW 5 GABI
TALAARAWAN NG DATING "TAYO"
Ni: Kuya_Ian
10/11/17 AM
Unang araw na,
Unang araw na wala ng tayo pa,
Di na kita machachat ngayong umaga,
"Goodmorning, kain ka na pagkagising mo ha?"
'yang mga yan? Wala na.
Kasi ang unang chat ko sayo,
"Patawad at salamat sa lahat, paalam na, mahal ko"
Wala na akong magagawa kung masaya ka sa desisyon mo,
Wala na akong magagawa kung 'yan ang plano mo,
Wala na akong magagawa kung masaya ka na dyan sa sitwasyon mo,
Wala na akong magagawa kung ikaw mismo ang nagbura ng "tayo" sa diksyunaryo ng buhay mo,
Kasi sana pala...
Sana pala 'di na ako nagselos sa iba.
Sana pala kung 'di ko yung ginawa, akin ka pa.
Okay, hanggang dito nalang muna...
Salamat at pasensya na.

10/11/17 PM

Unang gabi,
Buong umaga, wala ka sa aking tabi,
Hindi ko na nasisilayan ang ngiti sayong mga labi,
Ilang beses ko na kasing sinabi sa sarili,
Wala na ang dating tayo,
Pero pinipilit ko sa sarili ko na mahal mo pa rin ako,
Tinatatak ko sa isip ko na meron pang 'tayo',
Pero ano bang bago?
Ilang beses na kasi kitang binigo,
Alam ko buminggo na ako sa'yo,
Kasi 'di ko napangalagaan 'yong pangako ko,
Na 'di na magseselos kahit kanino,
Pero sino ba naman ako?
Isa lang naman akong hamak na tao,
Nagkakamali din ako,
Pero mali bang pagselosan mo ang nagpapasaya sa mahal mo?
Marahil hindi, maaaring oo,
Pero para sa'yo,
Isang malaking pagkakamali ko ito,
Sana mapatawad mo.
Di ko na alam ang gagawin ko,
Kung sakaling bumalik man yung dating meron sa atin, kay 'ikaw' at 'ako',
Malamang magmumukha lang akong desperado,
Parang kontrabidang pilit kayong pinaglalayo,
Pero nandito pa rin ako,
Umaasa sa iyo,
Sana mapatawad mo...
Wala na 'yong mga chat natin,
"Kakauwi ko lang, ikaw na ba ay kumain?"
"Siguro matutulog na ako, tulog ka na rin!"
"Mahal kita!" "I love you rin!"
Pero parang kagabi lang, natapos yung meron sa atin,
"Di ko na kaya pagseselos mo, Paalam at salamat na rin..."

10/12/17 AM

Umaga na,
Ikaw na naman ang laman ng panaginip sinta,
Nagpaulit-ulit lang sa utak ko na ayaw mo na,
Nagpeplayback lang sa utak ko yung araw na nagsawa ka na,
Naalala ko lang ulit na wala ka na.
Mahal, pangalawang buwan na natin sa susunod na linggo,
Baka naman puwede, balikan mo na ako?
Mahirap kaya mag-celebrate kung mag-isa lang ako,
Hahahahahaha, tama naman diba?
Itatawa ko nalang baka makalimutan ko yung sakit,
Baka makalimutan ko yung kirot at pait,
Baka makalimutan ko yung inis at galit,
Kasi bigla kang nang-iwan; hindi lang saglit,
Wala ka na ata talaga at hindi na sa akin babalik,
Pero tandaan mo, mahal pa rin kita,
Kaya't kung pwede na, nandito lang naman ako, naghihintay pa...

10/12/17 PM

Pangalawang gabi na mahal ko,
Oo, nandito at nakauwi na ako,
Pinilit kita buong umaga na kausapin ako,
Pero wala, 'Di ko na naman nakuha ang atensyon mo,
Oo nga pala, nagkaayos na kami noong pinagselosan ko,
Yung kaibigan mo rin na kaibigan ko,
Yung pinaghinalaan kong may 'kayo'?
Pasensya na nga pala sa mga nagawa ko,
Pinagsisisihan ko talaga, walang biro
Pero buti nalang napagsasabay ko,
Yung pagsuyo sayo at pakikinig sa guro,
Hayssst! Mapansin mo na sana ulit si ako,
Gusto ko na ulit mahawakan 'yang mga pisngi mo,
Gusto ko na ulit mahawakan 'yang malalambot na kamay mo,
Gusto ko na ulit makausap yung dating 'ikaw' na minahal ko,
Sana mapansin mo ulit ako,
Nandito pa rin ako,
Handa at umaasa sayo...

10/13/17 AM

Nagising ako ng umaga,
Baka kasi nag-chat ka na,
Mali pala ako ng akala,
Naghintay at gumising ng maaga para sa wala,
Hahahaha, ang tanga tanga ko,
Nakalimutan ko yung kagabing sinabi mo,
"Tigilan mo na ako!"
Hindi ko kaya 'yon
"Mahirap bang intindihin 'yon?"
Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakagano'n,
Hindi mo na ba ako mahal?
Bakit yung puso mo, pilit akong dinuduwal?
Bakit sa buhay mo, pilit mo akong tinatanggal?
Takte! Dahil ba sa pagiging seloso ko?
Naku! Akala ko'y kaya mo kasi naalala mo?
Pumasok ka mismo sa buhay ko...
Oo ginusto ko,
Pero gusto mo rin maging isang karakter sa pahina ng libro ko,
Pero ano?
Ikaw mismo ang gumagawa ng paraan,
Para mabura na sa libro ko ang iyong pangalan; ang iyong larawan,
Mahal naman? Ngayon mo pa ba ako iiwan?
Hindi ko alam kung ano yung meron sa akin kagabi,
May tumulong luha sa papunta sa aking mga labi,
Tulog na ako nun, alas-dose ng gabi,
Kasi pala, naaalala ko, wala ka na sa aking tabi,
Halos isang oras akong umiyak at nagpigil,
Naalala ko na ako na ay iyong pinapatigil,
Tanga na kong ako ay tawagin,
Pero mali bang ikaw ay mahalin?
Katangahan ba kung ako sa'yo ay nahuhumaling?
'di ko nga alam kung yung pagmamahal na ito ay saan galing...
Bigla nalang lumitaw, tumibok ang puso ko't gumiling giling,
Tuwang-tuwa ako 'pag nakikita kita sa may klasrum natin,
Pero naalala ko ayaw mo na, ayaw mo na kitang guluhin.
Diba? Sarap basahin?
Sana maramdaman mo rin,
Hindi 'yong sarap, kundi yung pait na napasakin,
Simula noong iwan mo ako,
At simula noong pinatitigil mo na ako sa'yo...

10/13/17 PM
Eto na naman ako,
'di mapigilan ang pagpindot sa telepono,
Hinahanap ang pangalan mo sa mga 'aktibo'
Ichachat na naman; nangangarap maibalik yung dating 'tayo',
Buong oras ng klase ay nakatitig sayo,
Buong klase ay sinusunduan ang mga kilos mo,
Buong klase ay nakamasid sayo,
Buong klase ay laging nasa likod mo,
Kasi pinipilit ko pa ring ipaliwanag sa sarili at ipaintindi sa puso ko,
Na wala ka na sa buhay ko,
Na kumalas ka na sa pagkakahawak ko,
Na bumitaw ka na sa pangako mo,
Pangakong habangbuhay na mayroong 'tayo'.
Pero hindi e, sa kagagawan ko rin,
Pilit kitang iintindihin,
Pilit kong ipagdidikdikan, ididiin
Sa utak at puso ko na wala ka na sa akin...

10/14/17 AM

Magandang umaga mahal ko,
Ano bang bago?
Sisimulan ko na naman ang umaga sa pagiging martyr ko,
Hawak na naman ang telepono,
Sabay 'good morning at kain ka na ng breakfast ha?' sayo,
Kahit ako alam kong putol na yung 'tayo'
Kahit alam kong bali na si 'ikaw' at si 'ako'
Pero sana matandaan mo,
Yung sabay nating ipinangako,
Na sa oras na tumuntong tayo sa kolehiyo,
Na magbabalik ako sayo at babalikan mo ako...
'yun na siguro ang tamang panahon sa ating dalawa,
Kasi sa panahong 'yun, 'di na tayo bata,
At sa panahong 'yun, tayong dalawa ay matured na 'ata'
Pero tandaan mo, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko,
Sana ay ganun din ang nararamdaman mo...

10/14/17 PM

Ayun, alam nyo na siguro,
Kung ano nangyari at kung ano ang ginawa ko?
Ayun, chinat ko na naman sya,
Baka kasi kahit maliit yung tsansa,
E, umangat pa rin yung pag-asa,
Ilang beses ko na ring sinabi sa iyo,
Na 'di ko kayang lumayo sayo,
Na 'di ko kayang may iba ka nang gusto,
Na 'di ko kayang burahin ang nabuong pagmamahal ko sa isang tulad mo...
Nag-usap na naman tayo,
Nagtanong ako ng kung ano-ano,
Tungkol pa sa mga nakaraan mo,
Pinipilit kong mamanhid sa selos itong puso ko na tumitibok para sayo,
Pinipilit kong ipaintindi sa puso ko na lahat ng meron sa atin dati ay marami nang nagbago,
Kasi sa bawat selos ko, may pinanghahawakan ako,
Ano yun? Yun lang naman yung mga katagang sinabi mo,
Na sa tuwing babalakin mo na makipag-hiwalay o punitin ang 'tayo' sa ensiklopedya ng buhay mo,
E, hindi ako maniniwala dahil bunga lang yun ng pagdalos-dalos mo,
Pero tandaan mo,
Pangangatawanan ko pa rin yung pangako ko,
Na babalik ako,
Na magiging legal na tayo,
Pag nasa legal na edad na tayo...

10/15/17 AM

Gaya ng nakagawain ko,
Binalikan ko yung naiwan nating convo,
Pinakakain na kita agad ng breakfast pagkagising mo,
'yan kasi yung laging chat ko diba sayo?
Humaba pa ang usapan,
Napunta na sa mga asaran,
Hanggang sa humantong sa alalahanan,
Oo, naalala natin yung nakaraan,
Nakaraang nagpamulat sa atin na 'di pa tama ang panahon at gagawan natin ng paraan,
Sinabi ko na naman sayo kung gaano kita kamahal,
Walang tugon pero ayos lang,
Hindi naman tanong ang "mahal na mahal na mahal kita" para iyong sagutan,
Sinabi ko na naman sa iyo na 'di kita kayang iwanan,
Kasi alam ko na 'yong feeling na bigla ka nalang bibitawan,
Na bigla na lang s'yang mapupuno sayo, bigla kang pagsasawaan.
Siguro hanggang dito nalang muna,
Hihintayin ko na mag-gabi, hihintayin ka pa...

10/15/17 PM

Naghihintay ako sayo,
Kaso wala, baka kung saan na naman kayo nagtungo,
Hihintayin pa ba kita? Oo siguro,
Di naman kasi ako tulad ng iba na madaling sumuko.

Magandang gabi mahal ko,
Nasaan ka na ba? Naghihintay ako?
Siguro'y masaya ka ngayon kung nasaan man kayo,
Kaya't nalimutan mo panandali na nag-e "exist" pa ako.

Mahal ko, hihintayin kita,
Nangako ka diba?
Ayy oo nga pala, hihintayin din pala talaga kita,
Diba bukas, sa amin pupunta ka pa?
Kinikilig man ako, pero di na pwede pa,
Pupunta ka kasi dito, hindi para maipakilala ko o magpakilala,
Paparito ka kasi gagawa tayo ng mga proyekto sa iba't ibang asignatura.

Mahal na mahal kita,
Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal malamang lunod ka na,
Kung kasalanan lang talaga ang sayo ay magmahal,
Malamang nasa impyerno na ako, ngayon pa lang.

Malapit na akong mahimbing mahal,
Iniisip kong katabi ka, kahit hindi naman,
Naaalala ko na naman,
Mga katagang 'dati' mong iniiwan,
"Tulog na 'tayo', tandaan mong mahal kita, mahal na mahal..."
pero siguro hanggang dito na lang talaga't di na magtatagal.
Paalam na, magkabilang direksyon natin ipagpapatuloy ang paglalakbay.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon