NATATANDAAN KO PA
Ni: Kuya IanNatatandaan ko pa
kung paano ako humarap sa salamin at magsalita
na parang ikaw ang kaharap ko
bumabanat ng malulupit na pick-up lines at mga corny na biro
at tinitignan ko kung paano ako kikiligin kapag um-oo ka na sa akinNatatandaan ko pa
kung paano ko kausapin ang unan ko
sa tuwing bago ako matulog
na mistulang ikaw ang nasa tabi ko
at iniisip ko kung paano ko matatapos ang 'di maubos-ubos na kwentong gusto kong ikuwento sa'yo
kapag um-oo ka na sakinNatatandaan ko pa
kung paano akong mag-ipon
mula sa mga natitira kong baon
at tinitignan ko ang bawat barya kung ano ang ibibili ko sa'yo
sa una nating anibersaryo
kapag um-oo ka na sa akinNatatandaan ko pa
kung paano ko kabisaduhin
ang magiging vow ko sa kasal natin
kung paano kong sasabihin
na sa hirap at ginhawa, ako ay sa'yo at ikaw ay sa akin
kapag um-oo ka sa akinNatatandaan ko pa...
noong magsimula na akong manligaw sa'yo
pero...
humindi ka sapagkat may mahal ka ng iba
at may nagmamahal na rin sa'yoNatatandaan ko pa...
noong makita kitang umiiyak sa tabi
ngunit pinilit kong ilayo ko sa'yo ang sarili
dahil alam ko na
na kapag lumapit ako sa'yo
hindi pa rin ang maisasagot moNatatandaan ko pa...
Natatandaan ko pa..
kung paano akong magsisi
na inamin ko sa'yo ang nararamdaman ko
at nagmadali sa "oo" moNatatandaan ko pa...
kung paano ako umamin sa sarili ko
na sana hindi na lang ako umamin sa'yo
kung alam ko lang na "hindi" ang magiging sagot mo.art by: pinyapplejaas ( https://www.facebook.com/pinyapplejaas/ )
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento