SISTEMA
ni: Kuya IanPare, tumakas ka na at tumalon
Nais kang lamunin nitong nagngangalit na leon,
Kakainin ka nang sistema't modernisasyon,
Kung ako sayo, tumakas na habang may pagkakataon.Pinoy? Ano nga ba ang nangyayari sa atin?
Naalala mo pa noong tayo ay sakupin?
Namumutawi ang pagkamakabayan natin,
Pero bakit naging ganito't nais mo nang baliin?Hijo? Ano ba ang mga balak mo?
Bakit tila laging nakahiga't naka dekwatro?
Hawak lagi ang gadyet, sabay lagi sa uso?
Pero di alam kung bakit ikaw ay naririto?Hija? Saan ka ba nagpupupunta?
Puro ka gala at lakwatsa.
Puro ka meyk ap at pagpapaganda
Ngunit alam mo ba kung saan mga makasaysayang lugar sa ating bansa?Naalala ko pa noong bansa pa ay masaya,
Mga batang masayang naglalaro sa kalsada,
Mga matanda'y laging may paalala,
Lahat laging nakatutok sa balita.Siguro nga ay wala na
Siguro nga ay nakain na
Pati ang bansa ay nasakop na
Sa kakaibang paraan at sa sistema pa ng iba.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento