ANG MAKABAGONG RELIHIYON
Ni Kuya IanSimbahan na ang peysbuk
Isa ka sa mga deboto
Ang letrang efe ang krus na pinupunasan ng mga panyo
Ang mga paskil ang mga sermon na kanina ka pa nakatutok.Yutyub ang buong misang dinaluhan ng mga sa karunungan ay salat.
Gugel ang paring alam daw ang lahat.
Kumpisalan na ang twiter,
Dito ka na umaamin ng 'yong mga kasalanan
Dito ka na naghahanap ng 'yong mapagsusumbungan.Dasalan na ang mesendyer,
Dito mo na ipinapasa ang mga mensaheng may kalakip na Ama Namin
at kung hindi maipapasa ay libong taon na mamalasin.Diyos na ang instagram,
Nakikita n'ya ang lahat—
pati na ang hubo mong katawan.Ang watpad na ang bibliya
Ang librong nakabisado na ng iba.Ang internet na ang relihiyon
Signal na ang komunyon
Ang waypay at deyta koneksyon na ang mga itinuturing na poon.credits sa may-ari ng litrato.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesíaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento