MGA TANONG TUNGKOL SA 'YO, ANG PAG-IBIG KO
Ni Kuya IanHindi mo naman alam kung kailan darating ang pag-ibig di ba?
Kaya hindi ko nalaman na dumating ka na palaHindi naman gumagamit ng mata ang pag-ibig di ba?
Kaya hindi ko nalaman na nasa harap na pala kitaHindi naman naipaliliwanag ang pag-ibig di ba?
Kaya hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko kapag nand'yan ka naHindi naman basta-basta nawawala ang pag-ibig di ba?
Kaya kahit sa pagpikit ko'y nananatili pa rin ang imahe mo sa aking isipHindi naman natin kilala ang pag-ibig 'di ba?
Pero hindi ko alam kung paano kitang nakilala simula n'ong umpisaHindi naman natin hawak ang pag-ibig 'di ba?
Ngunit kahit malayo'y ramdam ko ang 'yong pagkakahawak sa puwang ng aking mga kamay, hindi na kita pakakawalan pa.Hindi naman natin sigurado ang pag-ibig 'di ba?
Ngunit kahit maliit ang tyansa'y pipilitin kong tumaya basta ikaw ang premyong aking makukuhaHindi naman natin nabibilang ang pag-ibig 'di ba?
Ngunit kahit libo-libo ang dahilan ng isip ko para bumitiw na ay may milyon-milyong dahilan ang puso ko para yakapin ka pa.Hindi naman natin nasusukat ang pag-ibig 'di ba?
Ngunit aakyatin natin ang pinakamataas na hagdan at pipilitin kong dalhin kita sa buwan upang malaman mo kung hanggang saan aabot ang katagang "mahal kita".Hindi naman natin masasabing may pag-ibig sa lahat ng bagay 'di ba?
Ngunit dahil sa ikaw nga ang ibig ko'y ikaw ang itinuturing kong aking lahat.Hindi naman natin malalaman kung sino ang iibigin natin 'di ba?
Pero ngayon nalaman kong ikaw pala.Hindi naman natin alam na ganito pala karami ang tanong sa pag-ibig di ba?
Pero kahit anong tanong tungkol sa pag-ibig ang itanong nila
ikaw lang nag-iisang isasagot ko sa tuwina.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento