MAKIPAGLARO KA MUNA SA IBA

144 8 1
                                    

MAKIPAGLARO KA MUNA SA IBA.
ni: Kuya Ian

Tagu-taguan maliwanag ang buwan,
Pag-bilang ko ng tatlo nakatago na kayo,
Wala sa likod, wala sa harapan,
Isa, Dalawa,  Tatlo...

Teka teka,
Mahal pagod na ako,
Pwede bang taympers muna ako sayo?
kasi imbes na nakatayo at tinatakpan ang mga mata,
ay heto ako, nakahiga at nakatingala,
Pilit hinahawi ang diwa na kanina pa tinatangay ng kalawakan
Habang bumibilang ng isa...
mali mali mali,
Habang bumibilang mag-isa,
Nakakapagod pala kahit wala akong ginagawa,
maliban sa hanapin ka,
at hindi ka mahanap,
kasi naalala ko,
ako lang pala ang mag-isa sa larong ito.

Langit, lupa, impyerno
Im-im-impyerno
Saksak puso
tulo ang dugo
Patay, buhay
Maalis ka na diyaan.

Mahal, sinabi kong pagod na ako!
kakaabot sa'yo
sapagkat langit ka't lupa ako,
at sa pagbaba mo mula sa langit ay ang pagsaksak mo sa puso ko,
at umagos ang dugo ko,
at dugo mo,
sapagkat sinaksak mo ang lugar kung saan kita itinago,
ngayo'y parehong nasa kalagitnaan ng patay o buhay,
hindi ba't sinabi kong "umalis ka na dyan"?
ngayon tuloy ay pareho nang duguan.

B I N G O
nanay mo nagbibingo
binato ng bentsingko
akala n'ya limang piso
BINGO!

Mahal!
paulit-ulit ko bang sasabihin na pagod na ako?
nakakailang bingo na ako sayo
sa patulog na pagpukol at pagbato mo
sa akin ng bato mong puso
at mali nga ang akala ko
na sa akin lalambot ang isang tulad mo
mali pala ako
kaya narito ako handa na para tapakan mo.

pagod na pagod na ako sa kalalaro,
maghanap ka muna ng ibang manlalaro
na tiyak kang hindi paglalaruan ang puso mo.

cr. google images para sa picture

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon