HINDI MAKUNTEN2

93 7 2
                                    

Hindi Makunten2
ni: Kuya Ian

sa piyesang i2
ay magiging bida si 2
ang baby mo number 2.

oo,
ako ang una mong sinasabihan ng mahal kita
pero "mahal kita sobra" sa kanya.

oo,
ako ang una mong ginigising sa umaga,
at sya naman ang susunod mong ichachat ng "kumain ka na ba? "

oo,
ako ang una mong inaalala,
pero s'ya naman ang bukambibig mo sa 2wina.

oo,
tayo ang palaging magkasama sa umaga,
pero sa gabing aalis ka na e,
uuwi ka pala sa kanya.

oo,
ako ang sinasabihan mo laging ako lang ang nag-iisa,
pero bakit mayroon ka pang pangalawa?

oo,
ako ang nauna sa puso mo,
ngunit hindi ko rin masasabing ako ang mahal mo,
sapagkat kung kunten2 ka na sa naibibigay ko,
wala ngayon si number two.

oo,
ako ang babaeng nag-aasam na masolo ang kwar2 ng puso mo,
pero bakit tila pinaupahan mo ang kalahati ng kwar2 ko?

akala ko ang 'tayo' ay para lang sa dalawang tao,
mali pala ang nasa isip ko,
dahil ang salitang 'tayo'
ay maaaring tumukoy sa dalawa o higit pang tao,
kaya nari2 tayo,
tatlong tao,
sa relasyong i2
at i2 kami
ang dalawang babaeng
mahal mo
ay nari2
nagsasalo
sa nag-iisang kandila ng pagmamahal mo

at paubos na ang init
espasyo sa puso mo ay lumiliit
na naman
sapagkat may bago na namang tauhan
ang papasok sa aklat ng pagmamahalan.

at kung maiaatras ko lang
ang kamay ng orasan

oo,
hindi na oo ang magiging sagot ko sa'yo.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon