ONE SIDED LOVE

481 20 0
                                    

ONE SIDED LOVE
ni: kuya_ian

Nandirito ako sa tabi mo,
Pero isa lang pala ako sa mga anino mo,
Pilit kitang sinusundan,
Pero sino nga ba ako?
Hamak na nagmamahal lang naman.

Masaya na ako dahil MU tayo,
Mag-isang Umiibig ako sayo,
Wala naman akong magagawa diba?
Kasi may mahal kang iba.

'Yung mayroong tayo? Isa lang palang malaking ilusyon,
Isang malaking imahinasyon,
Saka ko lang napagtanto ngayon,
"Mahalin mo ako" ang tangi lang na aking misyon.

Sana ako nalang sya,
Sana ako nalang sayo ay nagpapasaya,
Sana ako yung nagbibigay sayo ng ligaya,
Pero alam ko sa sarili ko, na kailanman hindi ako magiging 'siya'

Mag-isa lang pala akong umiibig sayo,
Naging tanga-tanga ako,
Mahal kita,
Pero 'yung namamagitan sa atin? Isang idolo lang at isang tagahanga.

'Di ko na alam ang gagawin ko,
Kasi sa tuwing magkasama kayo,
Napapraning ako,
E wala namang tayo!
Bakit nagseselos ako?
Wala pala ang karapatan sayo,
Kasi kahit label sa ating dalawa, ipinagdamot mo!
Siguro hanggang kaibigan mo nga lang talaga ako.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon