...

40 0 0
                                    

nalulunod rin kaya ang mga tala
sa lalim ng gabi?

o kaya'y nabigti ba ang buwan
kaya nakapikit
at natutulog nang mahimbing sa taas
kaya tinitingala?

naglalaslas ba ang mga ulap
kaya may mga pumapatak na ulan?

nakapikit ba ang kalangitan
at tahimik nang nakahimlay
kaya nagdilim?

kung ako ay lilisan na,
sana ay kasingrikit din ng gabi.

-Kuya Ian

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon