Ang saya tih ( Anxiety )
Ni: Kuya_Ian
Sa bawat pagpikit ko ay tila dilim ang bumabalot,
Ang kadiliman na ang kumokontrol sa aking katawan,
Unti-unting sinasakop ng takot,
Pakiramdam ko'y lagi nalang iniiwan.Bakit hindi ako magising sa bangungot na ito?
Bakit tila hindi ako kasapi sa mundo nyo?
Bakit lagi nalang akong napagtatabuyan?
Di ko na kaya, lagi na lang akong naiiwan.Bakit ba ako laging kinakabahan?
Bakit ba kinain na ako ng sistema ng depresyon?
Hindi pwede 'yon!
Kailangan ako na ang kumontrol sa aking isipan!Ngunit paano?
Paano ko tatapusin ang dati pang gumugulo sa isipan ko?
Kung sa araw-araw na nararamdaman ko ito?
E nasasanay na ako?Ang saya tih!
Kung mailalabas ko lang ang nararamadaman kong dati pa nakakubli,
Kung makakayanan kong magpakasaya ng paunti-unti.
Kaso nilamon na ako ng ANXIETY.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento