"ALING VICKY! ALING VICKY!"
ni: Kuya_IanAling Vicky! Aling Vicky!
'yong anak po ninyo, sa pagkakataong ito ay hindi nahulog sa imburnal,
Mas malala pa, sapagkat nahulog s'ya sa taong hindi s'ya mahal.Aling Vicky! Aling Vicky!
lutang ka ba't isip mo'y lumilipad at wala ka sa sarili?
pakisundo naman po ang anak ninyo sapagkat iniwan s'ya sa ere.Aling Vicky! Aling Vicky?
Sino ka nga ba?
Anak mo'y kanina pang lumuluha sapagkat kinalimutan na rin daw sya.Aling Vicky! Aling Vicky!
Ano bang ginawa't pinabayaan mo ang anak mo?
Hindi mo ba alam ang pakiramdam kapag iniiwan ka ng mahal mo?Aling Vicky? Aling Vicky?
Ikaw ba si Aling Vicky?
O ikaw lang ay nagkakamali,
pero sigurado akong nagkamali rin ang puso ng anak mo't mali ang inibig at pinili.Aling Vicky!
Sana sa pagkakataong ito'y ikaw na nga ito,
sapagkat sawa na ako sa sakit na nararamdaman ko kakahanap ng nakatadhana sa akin na tao.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento