lihim
ni: kuya ian'wag Kang maINgAy please! 'wag mong sabihin,
'wag mong iKAlat, 'wag pararamihIN ang nakakaalam sa sikreto NAtin,
'wag mong ibAhagi kung iKay tatanungin,
'wag mOng sasagutin kuNG may gusto silang alamin.'DI natin p'wedeng ipagsabi,
maraming makakaalam sa tabi-tabi,
baka mas lalong kunin ang kakarampot na liwanag na aking naitabi,
at liLIMan ang sikat ng araw na kaytagal kong hinabi,
basta 'wag mong ipagsasabi.AKO at ikaw lang ang makakaalam,
ayaw ko lang naman na pati ang pagkalam
ng SikmurA'y inyoNg mAlasapan,
kaya't kung maaari, tayo lang ang mAY alam.matuTULog na ang bUwaN
at ANg araw ay magbibigay kasikatan,
pero sana'y hanggat ang buwan at araw sa pag-iglip ay nagsasalitan,
tayo lang ang makakaalam.nasa utak MO ang sikreto ko,
sikreto ng MANunulat na ito,
pero uulitin ko, sana ang makakaalam LANG ay tayo,
hanggang dito na lang DIN ang akdang ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/143457979-288-k408614.jpg)
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento