"SAWA NA RIN AKO"
(sagot sa "SAWA KA NA RIN BA?" ni Bianca Beltran Aquino)
ni: Kuya_Iansawa na ako sa paulit-ulit na ikot ng mundo,
sawa na ako sa hindi matapos tapos na gulo,
tapos na ako sa walang kwentang paulit-ulit kinukwento,
tapos na ako...bakit ganon? isa lang naman akong normal na bata gaya n'yo,
pero bakit ganon? naubos lang siguro ang gana ko,
bakit ganon? kailangan ko pa ba ng bitamina para manumbalik ang lakas ko?
pero bakit ganon? lalaklak pa ba ako ng gamot para lumakas o para matapos na ang kalbaryo ko?kanina pa bumubulong sa utak ko ang mga aninong nagkukubli sa pagkatao ko,
kanina ko pa nilalabanan ang utak kong bias na paulit-ulit pinapatugtog ang masasamang alaala ko,
bakit ba kasi kailangan pang ipanganak ako?
kung sa dulo ay mamamatay rin naman ako?
at kung mamamatay man din ako,
bat di ko pa madaliin ng tumigil na ang kalokohang ito?sawa na ako sa ikot ng mundo,
sawa na ako sa mga bagay na animo'y sirang plaka sa pag-ulit ulit nito,
sawa na ako sa mundo,
sawa na ako sa sarili ko...
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoezjaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento