PAYASO

73 3 0
                                    

"PAYASO"
ni: Kuya_Ian

Hindi mo lang alam kung gaano kasaya
sa pakiramdam ko ang makita kang masaya,
ang lagi kang makasama,
ngunit sa tuwing makikita kita
at makakasama
ay kasama rin natin ang di maubos mong kwento tungkol sa kanya
at ang mga tumutulong luha na dumadausdos sa iyong maamong mukha
dahil nasasaktan ka
at pinatawa na naman kita.

Lumipas ang mga araw at nakita kitang muli
bumakas na naman sa aking mga labi
ang ngiting hindi maikukubli
dahil narito ka na naman sa aking tabi
ngunit hindi rin maitatago ang pamamaga ng iyong mga mata
ang mga tubig sa iyong mukha na hindi ko mawari saan nagmula,
"alam ko na, sinaktan ka na naman nya? "
tango na lamang ang sa akin ay isinagot mo,
balik na naman sa dating gawi at narito ako
ang naging payaso mo.

Ngunit lumipas ang maraming taon na hindi mo pagbisita
ay dumating ang araw na nakita na naman kita
dala ang ngiti at isang bata na kamukhang kamukha ko
may ngiti na sa iyong mga labi
at hindi ko na makita sa iyong mga mata kung kailan ang huli mong paghikbi
lumapit ka sa akin at kinausap ang bata na ayaw lumapit sa tabi ko
hanggang sa hubarin ko ang suot na maskara ko
"DADDY KOOOO!"

Hanggang sa kinontra mo ang anak mo
"si tito 'yan o."
magpapakuha lamang pala kayo ng litrato ko na payaso rito at ang pamangkin ko
sa kaarawan ng anak ninyo
ng pinakamamahal na kambal ko.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon