KAMATAYAN

241 11 0
                                    

"Kamatayan"
Maikling tula ni: Kuya_Ian

Hayan na't parating
Kita mo na ba ang gutom na pating?
Nais kang dagitin,
Nais kang kainin.

Nakita mo na ba?
Hawak ang palakol ay sinusundo ka na.
Sasama ka ba?
O magpapahila ka?

Nanakawin ang ilaw sa iyo,
Tatanggalin pati memorya mo
Ipanganganak ka't babalik sa mundo
Kilala mo na ba kung kaninong trabaho ito?

Sa isang kisap makikita mo,
Sa isang saksak mararating mo,
Sa isang kalabit madarama mo
Kamatayan, kilala mo ba sya kung sino?

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon