FAKE NEWS

976 8 0
                                    

Authors Name: Ian James Domingo
Theme: Summer w/ April Fool's
Title: Fake News

Tumatalak na naman ang mga bibig mo,
Tumatagaktak na naman ang mga pawis mo,
Pumapalakpak na naman ako sa bilis mo
magkalat ng balitang hindi naman totoo.

Hindi porket araw ng abril e, kalokohan lang ang nasa paligid mo,
Umurong sana ang mga dila at ngipin mo,
Singbilis ng epedemya ang mga salita mo,
Dugo ang dumanak sa mga naitsismis mo.

Barado na naman ang mga tenga ko,
Napuno ng tutuli sa mga laway mo,
Tumatalsik ang mga laway na kontaminado,
Lusaw lahat ng matamaan sa kwento mo.

Umuulan na naman ng balitang galing sa'yo,
Kahit tigang ang lupa't nabibingi na rin sa'yo,
Kahit ang balitang may pakpak ay napana mo,
Pinalitan ng plastik ang pakpak nito.

Baha na naman doon sa may kanto,
Isda nalunod, patay ay walo,
Panot, naubusan ng kuto,
Maniniwala pa rin ba kami sa mga kwentong barbero mo?
Maniniwala pa ba kami sa mga kalokohan mo na hindi na birong pang-abril para sa mga tao?

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon