WALANG PAMAGAT

281 14 4
                                    

"WALANG PAMAGAT"

Nandito na naman ako sa harapan ninyo,
Mayroon na naman akong ikukwento,
Hindi man ako ang sikat na si lola Basya,
Tawagin ninyo akong MAKATANGA.

Alam ninyo ba na asignaturang MAPEH, hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa ibig-sabihin,
Alam kong Music Arts PE Health yon pero alam kong mayroong iba pa rin
Teka, teka! Alam ko na! Matapos Akong Paasahin, Eh Hahayaan lang din,
pero hindi ako tulad ng ExB na hahayaan lang ang ginawa mo sa akin,
Matapos akong mahulog sa iyong mga sining,
Matapos mong patugtugin ang puso kong matagal nahimbing,
Dahil sa ikaw ang pinakamaganda, work of art kung kanilang tawagin.
pero destruction pala ang dala mo sa akin.

Naalala mo pa ba noong una tayong magkita?
Nag-ala artist etong makata,
Sinapian ata ako ni Leonardo, at ikaw ang naging Mona Lisa ko at gusto kong makasama ka hanggang sa The Last Supper ng buhay ko,
Pero etong si Michelangelo, hindi rin papatalo, sinubukan ding bulungan ako, gayahin ko daw ang istilo ni David at gumamit ng bato sapagkat adik ako sayo.
Palaban din itong si Donatello, hindi papayag na maungusan ng kahit na sino, sinapian din ako't natutong maghintay para sayo.
Ito ring si Raphael na nagmamayabang ng nabuo nyang obrang The School of Athens, kailan ko rin kaya maipagyayabang ang relasyong namamagitan sa ATHEN?
Kung pagsasama-samahin nga si Leonardo, MichaelAngelo, Raphael, Donatello mabubuo ang ninja turtles, tagapagligtas ng mundo, kaya nga nandito ako, ang ninja turtle mo, tagapagligtas mo, ang mundo ko.
Tapos na ako sa paglalahad ng sining ng pag-ibig ko sayo, pasensya na't oras na siguro para gumamit ako ng dimuendo para bawasan ko na ang lakas ng pagtibok ng puso ko para sayo.
at sana hindi na magkarenaissance, ang pagbabalik ng pagmamahal ko sayo.

pero kung ako ang magdedesisyon, sasayaw talaga ako sa harapan mo,
Kaya ko yun, at pag napahiya ako sayo?
Malakas ang alibi ko!
"Practicum namin sa mapeh e, turuan mo naman ako"

Pero sa totoo lang bagsak talaga ako sa MAPEH e, loyal kasi isa hindi ko kayang mapagsabay ang apat ng tulad ng iba dyan sa tabi-tabi.

Naalala ko, kailangan ko palang magexcercise muna at gayahin ka,
tatakbo ng tatakbo parang ikaw, takbo ng takbo ng takbo sa isipan ko.
Para naman lumakas ang puso at katawan ko,
pag nandiyan ka kasi sa tabi ko nanlalambot ako at para akong nahe-heart burn, at dun ko napagtanto, matindi pala talaga ang alab ng sining ng pagmamahal na nararamdaman ng isang tao.

Pero sana lahat ng efforts ko, anihin ko rin sa tamang panahon.
Pero sasabihin ko lang at lilinawin ngayon,
Na ang sining at pagmamahal? Iisang bagay lang yon!
Isang sining ang magmahal pero ang sining ay magulo rin minsan kaya magulo rin minsan ang magmahal.
Hanggang dito nalang, makatanga ulit nasa inyong harapan

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon