-Kuya Ian
Mahilig akong kumanta pero walang hilig ang pagkanta sa akin
Mahilig ako sa mga kanta
Sabi nga isang kanta na naririnig ko palagi
sa kalsada, sa palengke, sa eskuwela, sa araw ng halalan... basta gan'to 'yon e.
"Bato bato sa langit,
ang matamaan 'wag magalit"Pero pare, sana 'wag kang magalit sa mga itatanong ko sa'yo
Sana 'wag kang magalit sa mga bato na maibabato ko sa'yo
At sana ibato mo sa akin pabalik ay tinapay na may palaman
Eden sana, paborito ko 'yon e.
Share ko lang.Pero ito na pare,
Usapang lalake...Pare, bakit ba ang tingin mo sa bato ay hulog ng langit?
At pinipilit mong saluhin ang bawat piraso na itinuturing mong biyaya ng "langit"?Gan'yan na ba ang nagagawa ng isip mo Kapag napagod ka at naubos ang lakas mo sa pagpupumilit itulak ang napakalaking bato?
Kung ganon naman pala e, ayaw kong gumamit ng bato
At uubusin ko na lang ang oras ko sa pag-upo sa inidoro
Habang nakatingin sa tiles ng pader sa harap ko at sa tiles sa sahig na inaapakan ko
Habang iniisip kung paano nabuo ang mundo,
Habang iniisip kung may mga alien ba talaga na nagkalat sa uniberso,
Habang inaalala ang mga bagay na sanhi ng pagnginig ng katawan ko
Habang iniisip ang posibilidad ng pagkamatay ko...Kaysa naman na mapagod ako
at literal na ikasawi ko
Na mangyayari rin naman
Baka nga pagkatapos din nito
Baka nga sa kung saan dito ay may baril na nakatututok na at handa nang patagusin ang bala sa katawan koPero bahala na...
Itatanong ko pa rin ang mga bagay na bumabagabag sa isip ko...Pare...
Nakakailang gamit ka ba sa isang araw?
Bakit ka ba nagpupumilit na lumapit sa araw ng 'yong pagpanaw?
Bakit ba pare gusto mong ilabas ang buo mong lakas sa pagtulak ng bato?
Bakit ba pare gusto mong nagpapagamit sa gamot
Imbes na ikaw ang gumagamit sa gamot?
bakit ba pare?
Ano bang meron sa paggamit mo ng bato?
Baka akala mong ang kapangyarihan ni Darna ay sasapi sa'yo?
Hindi mo ba nararamdaman ang paghina at pagbagsak mo sa lupang puno ng bato?natatakot ako
natatakot na ako
baka mamaya
bumulagta na ako
habang nasa daan pauwi sa tinitirhan ko
gawa ng mga tanong na kanina pa naglalaro sa isip ko
baka matalo lang ako
sa labanang ako ang gunting nagpupumilit putulin ang papel na nakadikit sa iyo
at ikaw ang gumamit ng bato
ano ba 'to?
ano ba 'tong pinasok ko?
pero sige na nga! itutuloy ko!pare, alam kong nasa dulo ka na ng 'yong limitasyon,
at alam kong napasama ka lang at nakain ng sistema kasabay ng pagkain nito at pagsabay sa modernisasyon,
pero sa lahat ng ito pare, dapat ito ang 'yong huling maging leksyon at maging misyon,
huwag mong igaya ang sarili mo sa basura na nililigpit na lang
at baka makita kitang itinatapon na lang sa estero ang katawano baka ako ang matagpuan
na nakabulagta sa daan
dahil sa napakararami kong nalalaman
hawak ang karatulang
" huwag akong tularan "
pero kung makikita n'yo ang katawan kong duguan
alam na ninyo ang totoo
na ako ay isang taong maraming tanong
at pagkitil sa buhay ko ang naging solusyon
para hindi ako makapasok sa gubat na puno ng leon
at alam na ninyo ang katotohanan
na ako ay napagkamalan
at nais kong ipaalam
na ako ay napagkamalan langhindi ako sabog sa ipinagbabawal na gamot
ngunit ang dahilan ng pagkapula ng mga mata ko ay ang pagkalungkot
at ang pagkalugmok
at hindi ko mapigilan ang manginig
hindi dahil sa maikli ang pula kong kumot kagabi
kundi dahil hindi ko mapigilan ang paghikbi
hindi dahil sa sugat na ipinatong ko sa isa ko pang sugat kaya ako umiiyak
kundi dahil sa sugat na kahit hindi ko pa pinapatungan ng isa pang sugat ay matagal nang masakitpero narito ako
hindi para ikuwento
kung gaano ako natatakot dahil sa mga pinagsasabi ko rito sa harapan ninyo
sa tagpuan kung saan ako ay ikinatagpo ninyogusto ko lang ipaalam na ang depresyon
ang nagsisilbing interseksyon
dito sa mundong nauubusan na ng solusyoninterseksyon
ng kabataan at kalulungan sa kamunduhan
dito sa makamundong panahon at pagkakataoninterseksyon
ng gamot at ng takotpero hindi ako magpapagamit sa takot
upang gumamit ng gamot
at magpagamit sa gamot
dahil wala akong sakit
at ayaw kong magkasakit
at dahil ayaw ko na itong lalong sumakit.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PuisiHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento