MEKENI MEKENI DUGDUG DOREMI
ni: Kuya IanBinibini!
Mekeni, Mekeni
Lumapit ka, lumapit ka sa aking tabi,
Dugdug,
pakinggan mo ang tibok ng puso't pangalan mo ang sinasabi
Doremi,
sumasayaw ang puso ko sa musika na ikaw ang naghahabi.Binibini,
Mekeni Mekeni,
ako ay iyong tabihan
Dugdug,
Puso ko ay pakinggan
Habang pinagsisigawan ang 'yong pangalan
Doremi,
isasayaw kita sa saliw ng tugtugin ng ating pag-iibigan.Binibini,
Mekeni Mekeni,
halika rito
Dugdug,
ako ay kumakatok sa puso mo,
Doremi,
ako ang gigising sa puso mo
na kay tagal nahimbing gamit ang musika ng pag-ibig ko.Magiging akin ka rin balang araw, aking binibini
Mekeni Mekeni Dugdug Doremi.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento