MHAAL KTIA
ni: Kuya Iannaalala mo pa ba
noong umamin ka sa kanya ng iyong pagsinta
at napalundag ka sa sobrang saya
dahil nabihag mo na
ang pusong matagal mo ng inaawitan
at nakuha mo na ang babaeng noo'y nakikita mo lang
sa iyong mga pagtingin sa kalangitan
dahil s'ya ang itinuturing mong mga tala na nakahanay sa mga buwan
s'ya ang babaeng sa puso mo ay nakahanay
dati nga'y kasabay pa sa pagtingin sa kalangitan
ay ang pagtanaw mo sa kaluluwa mong papalisan pa lang
sapagkat hindi mo ba naaalala?
na patay na patay ka sa kanya
na hindi mo na s'ya gusto
sapagkat ngayon ay s'ya na ang kailangan mo
at nakuha mo na nga ang pinaghirapan mong 'oo'
hindi ba't parang sobrang hirap naman para makakuha lang ng dadalawang letra na ninanais mo
at umabot ka pa sa punto
na halos sumabog na ang utak mo
makaisip lang ng mga bagong pakulo
at baka aksidente n'yang masabi na oo
at matagal na s'ya nagkakagusto sa'yo
ngunit noong tanungin mo s'ya sa text kung mahal ka ba n'ya
"MHAAL KTIA"
ang tanging tugon n'ya
at dito ka lang malilinawan
na malabo pa
at naguguluhan pa s'ya
kung mahal ka n'ya
o hanggang gusto na lang talaga
kahit pa oo
ang sayo ay isinagot nya.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PuisiHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento