Ikaw ang unang nakahalik sa aking mga labi.
Ramdam ko pa rin ang init at lambot ng iyong paghalik.
At sa iyong paghagkan ay iniwan mo sa akin ang 'yong mga ngiti...
At hindi ko na naibalik,
at hindi ka na rin bumalik.Umalis ka,
Ngunit tanda ko pa rin ang amoy mo,
halintulad sa aroma ng kapeng ako ang nagtimpla para sa iyo sa umaga.Umalis ka,
Ngunit tanda ko pa rin ang gaspang ng iyong labi,
ang lambot, ang hugis, ang tekstura, ang tapang ng paglaban nito sa bawat pagdikit ng iyo sa labi ko.Umalis ka,
Ngunit tanda ko pa rin ang lasa,
ang saktong tamis, ang saktong lasa ng ating pag-iisa.Umalis ka,
Ngunit tanda ko pa rin ang pakiramdam,
ang saya, ang ligaya, ang tuwa,
hindi dahil sa ako ang una mong nahalikan sa labi
kung hindi dahil sa ako ang una mong tinitigan sa mga mata
at sabihing mahal ako, at bigyan pa ng isang pahabol na dampi.Umalis ka,
kaya ngayo'y kami na lang ng bibig ng bote ang magsasama.Kakabisaduhin ang lasa ng alak at amoy nito,
hanggang sa mabura ang amoy ng iyong pabango sa suot ko na polo
at mabura ang mantsa ng lipstik mo; ang hugis ng labi mo sa isip ko
para hindi ko na patuloy pang halkan ang mga alaala mo.-Kuya Ian
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoésieHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento