"DELETE"
ni: Kuya_IanIsang araw nagulat nalang ako
May isang tao kasi ang lumabas sa notipikasyon ko
Isang tao na 'di ko kilala pero nagtangkang magtanong kung pwede bang maging kaibigan ko.
Una nagpakipot ako pero 'di ko alam at nahuli
mo yung kiliti ko.
Hanggang sa araw-araw na kitang kausap sa telepono at 'di nagtagal nagtanong na ako sa sarili ko kung meron na bang ikaw at ako.
Nanay ko nga nagtataka kung bakit tuwing nakaharap ako sa telepono ko e, tila nagliliwanag yung mga mata ko.
Hanggang sa isang araw 'di na ako nakatiis.
Nakatitig lang ako sa larawan mo, nakatingin sa ngiti mong matamis.
Nagchat ako sayo kasi si "ako" "ikaw" ang namimiss.
Kaunting batian at palitan ng "Magandang umaga!"
Di ko alam kung bakit sa tuwing kausap kita e, ganito na lang yung aking nadarama.
Kinausap kita at nagdahan dahan ako.
"Bes, May aaminin ako sayo."
Hinintay kong matapos ang tatlong tuldok na kanina pa gumagalaw sa harapan ko, hudyat na may sinagot ka na sa mensahe ko sayo.
"Ako rin, may ikukwento sayo."
Limang salita na nagpakaba sa akin ng isang minuto,
"Mauna ka na, makakapaghintay ako."
'Yan ang mga linyang sinabi mo."Mahal kita."
Ngunit sabay sa pagsend ng message ko sayo, isang mensahe galing sayo ang nareceive ko.
Ang isang minutong kaba ko, bigla nalang naging simula ng bangungot ko
"Sinagot ko na sya."
Bigla akong nanlumo sa aking mga nabasa.
Sana ay may oras pa...
Sana may pagkakataon pa para madelete ko ang mensahe ko sa iyo na iyo nang nabasa.
Sana may pagkakataon pa para madelete ko yung feelings ko sayo na bigla na lang mababalewala..
Ngunit wala na...
Wala nang pag asa..
Naghintay nalang ako sa reply mo ngunit wala.
Isang oras akong tingin ng tingin sa telepono ko ngunit wala ni isang mensahe mula sayo.
Di ko alam kung mali ba na ipinagtapat ko sayo yung nararamdaman ko?
Mali ba na ipinarating ko sayo ang mensahe ng puso kong araw araw na tumitibok para lang sayo?
Mali ba na minahal kita, kaibigan ko?
Mali ba ako?
Kung hindi, Bakit?!
Bakit sa araw araw na kausap kita bigla ko nalang nararamdaman yung sakit?
Bakit?!
Bakit sa tuwing titingin ako sa litrato nyo,
E, iniisip ko na ako yung kasama mo.
Mali ba talaga yung pag amin ko sayo?
Pag amin sayo ng tunay na nararamdaman ko?
Sana simula pa lang dinelete na kita sa buhay ko...
Sana di na ako nagreply sayo...
Paalam na sayo...
Idedelete ko na yung dating tayo...
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento