FLING

216 7 0
                                    

FLING
-Kuya_Ian

Fling? Ano nga ba yan?
Diba isa rin yang uri ng paglalandian
Yung tipong may isang umaasa at nagtatanga tangahan
At yung isa, dakilang paasa naman.
Minsan nga iniisip ko,
Bakit pa ako nagpapakamartir para sayo?
Eh wala namang TAYO?
Magulo yung takbo ng isipan ko
Bakit nahulog pa ako doon sa manloloko?
Dati nga ang ginagawa lang natin ay landian doon landian dito.
Tapos bigla kang nagseryoso...
Nagseryoso sa mga salitang "Balang araw makakalimutan mo rin ako..."
Ano bang nagawa ko?
Wala.
Wala na kasi sa tingin ko wala na rin namang pag asa
Pag asa na babalik yung dating pagsasama natin nabuo.
Ay oo nga pala, walang tayo.
Landian lang pala lahat nang yon.
Lahat nang nangyari at ginawa natin noon.
Landiang walang humpay na sa atin ay mayroon
Para lang mapawi,
Mapawi yung sakit sa atin dati
Bago tayo magkakilala at ilabas ang kanya kanyang landi.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon