Authors Name: Ian James Domingo
Theme: Summer w/ April Fool's Day
Title: PAYASO SA UNANG ARAW NG ABRILNarito ako, ang payaso
na kay tagal nagpasaya sa'yo
kailan ba ako mapapa-sa'yo?
pero bakit unti-unting napapalayo sayo,
kailan ko ba makukuha ang mapa-sa 'yo?
para mapasayo,
at hindi maligaw ang puso kong marami ang dinanas at ninais na para lang sa 'yo.Narito ako, ang payaso
na inakala mong biro lang ang pagnanais na magustuhan mo,
na puro biro lang ang alam ko,
pero kaya ko namang magseryoso,
kung 'yan ang magpapasaya sayo,
at hindi ang ikakatawa mo lang sa lalakeng naging payaso, para sa 'yo.Narito ako, ang payaso
sa unang araw ng abril, linggo,
lumuluha ako,
sa kadahilanang ang mga inaakala mong biro,
para sa akin na'y totoo,
pinagtatawanan mo,
hindi mo pinaniwalaan na sayo ako ay may gusto,
sapagkat isang akong payaso,
sa unang araw ng abril, linggo.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesíaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento