SINO BA AKO?
ni: Kuya IanKilala ninyo ako bilang isang manunulat.
Kilala ninyo ako bilang isang may akda.
Pero 'di n'yo kilala kung sino ba talaga ako?
Kung bakit ko ginagawa ang mga ito?
Kung bakit sa bawat pagsulat ko, ako ang bida?
Kung bakit sa bawat sulat ko, sya ang kontrabida?
Kung bakit sa bawat kanta na nagagawa ko, binabanggit ko na merong tayo?
Kung bakit sa bawat luha ng pluma ko ay s'yang pagpatak rin ng luha sa mata ko?
Kung bakit sa bawat lukot ko ng papel ay naaalala ko ang paglukot mo sa pagkatao ko?
Kung bakit sa bawat tugmang isinusulat ko ay
hindi ko mapagtugma ang ikaw at ako?
Kung bakit sa bawat pariralang naisusulat ko ay mababakas mong hindi buo ang diwa ko?
Kung bakit sa tuwing susulat ako ng liriko ay ikaw ang nagiging musika ko?
Kung bakit sa tuwing may bago akong piyesa ay inaalay sa'yo na wari'y sampaguita?
Kung bakit sa tuwing titingin ako sa kapaligiran ay ikaw ang nakikita?
Kung bakit? Hindi ko rin alam sapagkat hindi ko rin kilala kung sino ba talaga ako.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento