EDSA
ni: Kuya Ianihahakbang ko na naman ng isang hakbang ang kanan kong paa,
hindi ko nga malaman kung bakit tatlong buwan akong nanatiling nakatayo sa iisang pwesto,
siguro ay napakahalaga at napahalaga na sa akin ang lugar na malapit ko nang lisanin,
siguro ay nasanay na ang aking mga paa sa noong kinatatayuan ko kaya ako hindi nakausad rito sa mumunti kong "EDSA"Usad pagong na kasi simula pa noong mga nakaraan,
kung makakausod man ay kakatlong hakbang lang,
aabutin pa siguro ako ng siyam-siyam,
Bago ako makapunta sa paroroonanGusto ko nang makausad na,
kasi kitang-kita na ng dalawa kong mata
ang pagtulak sa akin ng sasakyang nasa likuran ko,
naghahanda na para palitan ang pwesto koang pwestong matagal kong inistambayan
ay malapit ng masakop na kung sino man
at kung susubukan kong imaniobra paatras ang aking katawan
malamang ay babangga lamang ako ngunit ayaw kong mangyari 'yon
dahil alam kong mapapamahal na rin s'ya sa pwestong kinaparoonan ko noon
at ayaw ko na s'yang maistorbo
sa biglang pihit ko pabalik sayo
dahil alam ko na masaya ka na rin na s'ya na ang kasama mo
na s'ya na ang permanenteng ookupa sa pwesto ko
at ang mumunting "EDSA" na ito
ay magkakaroon ng parking lot sa gitna
"IKAW" at "SYA"
at hindi na kayo mapaghihiwalay pangunit ako ay patuloy na aandar pa paabante
at kakalimutan na ang nabakante mo rito sa puso ko
at pasensya na kung sa pananatili ko noon sa'yo
ay nagbakas ako ng pagtulo, hindi ng gaas,
kundi ng luha mong hindi mahinto ang pagtagas
at ng mantsa ng gulong ko
na mistulang peklat sa puso moPasensya na,
Pero malapit na ang go signal
at makakalayo na ako sa inyong dalawa.( pasensya na sa matagal na update, ngayon lang ako nasaktan ulit e jk HAHAHAHA )
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PuisiHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento