PASO

62 4 0
                                    

PASO
ni: Kuya Ian

hawak ko ngayon ang isang antigong babasagin na galing sa'yo
pagkakaingatan ko ito
gaya ng kung paano mo ito hawakan noong ikaw pa ang may hawak nito
ngunit 'di ko sinasadya...

ngunit sa hindi malamang dahilan
ay ang pagkahulog nito mula sa aking pagtangan
hanggang sa lupang kinatatapakan ko
at kasabay nito ay ang pagtalsik ng maliliit na piraso sa iba't ibang sulok ng kwarto

sinubukan kong pulutin ang bawat bubog sa sahig
pinilit kong ikahig ang mga kamay ko kahit nagsusugat na
matagpuan lamang ang bawat pirasong hindi ko na makita ang iba
hanggang sa ito na!

narito na ang karamihan sa parte ng antigong babasagin
na pinagdikit-dikit ko't pinipilit buuhin
ngunit kahit anong pilit, ang lamat ay nakikita pa rin
at ang nawawalang piraso ay nagsilbing takaw-atensyon sa mga matang kung tumingin ay tila humuhukay na't inihahanda ang 'yong libing

ngunit noong madatnan mo
ang antigong babasagin na ipinahawak mo
ay ikaw mismo ang nahulog sa bangin
at ito ang sanhi ng pagkamatay mo

"wala po akong kasalanan!"
"ipinahawak lamang po sa akin 'yan!"
"ang mga dugo sa aking kamay ay gawa po ng mga nagkalat na bubog r'yan"

ngunit kahit sabihing hindi ako ang may sala
at ang dugo sa aking mga kamay ay hindi sa'yo nagmula

hindi ko maitatanggi sa sarili ko
na ako ang pumatay sa'yo

dahil ang pagtitiwala mo ng husto sa isang tulad ko,
ay parang pagkalabit mo sa gatilyo na nakatutok sa ulo mo

dahil ang pagtitiwala ng sobra
ay nakamamatay na

kaya't hawak ko na naman ngayon ang isang antigong babasagin na galing sa'yo
pagkakaingatan ko ito
gaya ng kung paano mo ito hawakan noong ikaw pa ang may hawak nito
ngunit 'di ko sinasadya...

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon