Nakahiga ako ngayon sa isang pasilyo, lumuluha habang nakatingin sa kalangitan, inaalala ang karumal-dumal na nangyari sa akin kanina lang.
Ibinenta ako kasama ang mga hindi ko kilalang mga tao, isa lang ang masasabi ko, halatang masusi nilang pinili ang mga nabiktima nila, dahil sa magkakamukha, magkakasintaas, magkakakulay at magkakatindig kaming lahat.
Patung-patong kaming itinabi noong makarating kami sa pinagbentahan sa amin.
Hanggang sa dalhin naman kami sa kwartong halos hindi ko kayanin ang lamig.
Tabi-tabi naman kaming lahat pero hindi gumana ang init ng katawan namin sa pagpapainit sa isa't isa...
hanggang sa tumagal na nga kami sa kwartong iyon, naninigas na ang iba't binawian na ng buhay hanggang sa makakita kami ng liwanag...
Kinuha nila ako...
Pinutulan ng ulo...
Saka ininom ang dugo ko...
Hanggang sa iwan na niya ako sa isang sulok...
Hanggang sa sumigaw ang babaeng walang habas na ibinenta at pinugutan ako ng ulo...
" Boy! May sukli ka pa! "
" Bakit? Magkano ba 'yong RC? "
" Siyete lang. 'To may tres ka pa. "
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PuisiHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento