Niño
ni: Kuya Ian"Ikaw... "
Ipinanganak na malabo ang mga mata ng batang si Ronaldo at hindi nakakaaninag nang maayos, ngunit hindi ito hadlang upang magkaroon s'ya ng isang matalik na kaibigan.
Ngunit ipinanganak rin 'atang may kapansanan ang kaibigan n'ya, hindi ito marunong magsalita.
Hindi pa ito nagsasalita kailanman at laging walang kibo.
Hindi alam ni Ronaldo ang ngalan nito kaya tinawag n'ya itong "Niño."
Lagi n'yang kasama si Niño sa kung saan—
Sa pagligo, sa pagkain, sa pagtulog at maging sa paglalaro. Sa tahanan na rin nila ito umuuwi.Isang gabi, pinapatulog nang maaga si Ronaldo ng kanyang mga magulang dahil dadalhin raw s'ya ng mga ito sa isang Ophthalmologist.
"Inay, ano po 'yong Ophthal---," tanong ng batang ni hindi mabanggit ang salitang Ophtalmologist.
"Ophtalmologist, anak. Ipapatingin natin sa kanila ang mga mata mo."
Tuwang tuwa ang batang si Ronaldo sapagkat magiging malinaw na ang paligid n'ya para sa kanya lalo na ang mukha ng kan'yang kaibigan.
Maagang nagising si Ronaldo, kinausap si Remy upang matanggal ang kan'yang kaba.
"Kinakabahan ako... pero atlist makikita na kita!" sabik na sinabi ni Ronaldo.
Malayo-layo rin ang biyahe, ngunit tinyaga ng pamilya ni Ronaldo na makapunta.
"Kailangan na pong magsalamin ng anak ninyo misis," payo ng doktor.
Pinapabalik sila sa susunod na araw para makuha ang salamin ni Ronaldo.
"Sayang! Akala ko ngayon na!" ani Ronaldo.
Maaga ulit s'ya natulog, hindi napapansing umalis nang madaling araw ang mga magulang n'ya na nais kuhanin ang salamin n'ya at nais s'yang sorpresahin.
Pagkagising n'ya...
"Surprise anak! " hawak ng nanay n'ya ang salaming sukat lamang sa grado ng mga mata n'ya.
Maluha-luhang isinuot ni Ronaldo ang salamin n'ya, lumingon-lingon at niyakap ang mga magulang na naaaninag na n'ya nang maayos ang mga mukha.
At tumigil ang mundo n'ya noong napalingon s'ya kay Niño, ang kaibigan n'ya...
"Ikaw... " sabi ng bata.
"Ikaw pala ang kaibigan ko... "
Nakatitig lamang si Ronaldo sa pader, nakatingin sa kan'yang anino.
"Ikaw pala si Niño, ang kaibigan ko. " saka n'ya hinimas ang pader na para bang ginugulo ang buhok ng sarili n'yang anino.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento