"Hold on" o "Let Go"?
-Kuya_Ian
Naalala mo pa ba nung tayo ay magkasama?
Nung nasa parke tayo,naglalambingang dalawa.
Bigla kang nagtanong sakin,pinapili ako kung ano nga ba ang tama?
Ang hawakan ang iyong kamay sa harap ng mga pagsubok?
O bumitaw nalang at mag isang pumunta sa rurok?
Di ako nakasagot sa mga katagang sinabi mo.
Di ako nakasagot kasi nga ikaw mismo di alam ang sagot sa palaisipang ginawa mo mismo.
Naalala mo pa ba nung tayo ay magkasama?
Nagliligawan doon sa may parkehan?
Ang kamay ko ay kaybilis mong hinawakan
Sabay tanong sa akin ng mga salitang gusto mo ng kasagutan.
"Ano na ba tayo? Tayo na ba?"
Bigla kitang hinagkan,pinadama sayo kung ano ang aking kasagutan.
Pero mahal? Bakit ngayo'y tila ka nagugulumihanan?
Pinapili ako kung Hold on? O Let go?
Paano kung sabihin kong pareho ang gusto ko?
Hawakan ang mga kamay mo at palayain ang mga bagay na sa atin ay pipigil marating ang langit na pinapangarap natin,
NUNG MERON PANG TAYO.
Kaso ikaw tong bumitaw,
Ikaw tong umayaw,
Isang taong ayaw akong makasama sa araw araw.
Oo ikaw.
Naalala mo pa ba?
Nung sinabi kong ikaw lang?
Ngayon nagsisisi na ako at nandidiri kaya please kung babalik ka pa.
Wag ako, IBA NALANG.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento