"P A R E"
ni: Kuya_Ian
(inspired sa B R O ni Erica Del Rosario)
Pare, naalala mo pa ba noon?
Kung paano manligaw ang totoong maginoo?
Mayroong nagbibigay ng kalabaw at kabayo,
Pero ngayon, ang nililigawan na ang kinakabayo't inaararo.Pare, naaalala mo pa ba kung paanong ang babae noo'y inaalayan ng mababangong bulaklak?
Hindi lang basta salitang mabubulaklak,
At mas lalong hindi bata ang tinatanim sa sinapupunan nila,
Pare, magbago ka na!Pare! Naalala mo pa ba kung paanong hirap ang dinadanas noon para lang ipagsibak ng kahoy ang mga babae?
Pero ngayon, 'yong babae na ang sinisibak--- hindi gan'on 'yon pare!Pare, magbago ka na!
Pare, uulitin ko, magbago ka na!
Hindi, pare manggago ka pa.
Gago ka ba?Hindi porket sa larangan ng pambabae e napakatalentado mo,
E, ipagpapatuloy mo pa 'yang pagkatarantado mo.At mas lalong hindi porket tinatawag ka nilang gwapo,
E ipagpapatuloy mo pa rin ang pagiging gago.
Malaking pagkakamali 'yan pare,
Nirerespeto kasi dapat ang mga babae.At pare, hindi sukatan kung gaano kalaki,
para masabi mong tunay kang lalake.
Kung malaki nga pero wala ka namang bayag para harapin ang 'yong pagkakamali,
At wala ka namang bayag para magmahal lang isang babae,
Pare, hinding hindi ka matatawag na tunay na lalake.At para sa'yo na mapaglaro sa babae,
Isa lang masasabi ko sayo pare,
Pakyu ka bente.cr: google images para sa picture😂
( Pasensya na ho sa mga bulgar na salita at mga mura )
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento