MAKAKALIMUTIN AKO
ni: Kuya IanMakakalimutin ako kaya't ligtas ka,
Makakalimutan ko ang mga araw na bumibitaw ka na,
Makakalimutan ko ang mga sakit na naidulot mo,
Sapagkat makakalimutin ako.Maikli lang ang memorya ko,
mabilis makalimot ang tulad ko,
pero hindi ako makakalimot sa isang tulad mo,
hindi ko makakalimutan ang pakiramdam ng pagmamahal mo.Panandalian lang ang mga alaala ko,
ngunit hindi panandalian ang kirot sa puso ko,
nakalimutan ko na nga kung bakit nasasaktan ako,
pero nagpaparamdam pa rin ng pagkadurog itong puso ko.Saglit lang ako makakaalala,
pero mukhang kabisado na ng mga kamay ko at ng sarili ko ang balangkas ng iyong mukha,
ang kinis ng 'yong balat,
ang kinang ng 'yong mga mata kahit bagong dilat,
ang buhok mong 'sing bango ng bulaklak.Kahit makakalimutin ako,
Hindi nakakalimot ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PuisiHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento