PUWANG
ni: Kuya Ianmahal ko,
natatandaan mo pa ba noong unang kita ko sa'yo
noong lumapit ka at okupahin mo ang puwang sa tabi ko
noong unang nagtabi at nagkadikit ang mga balat natin at nakaramdam ako ng paninibago
'yon ang unang araw nang ang puwang ng puso ko ay naging okupado mo.natatandaan mo pa ba?
noong ang mundo kong walang kalaman-laman
ay napunan mo ang puwang
doon ko lang nalaman
kung gaano ako kasuwerteng nilalang
na ang lahat ng blangko sa buhay ko
ay ganun na lang na mapupunan monatatandaan mo pa ba?
o baka hindi na?
baka nakalimot ka naat heto na nga
dadalhin na natin ang kwento
kung saan ang puwang ng mga kamay ko
na minsang nakahawak rin sa puwang ng mga kamay mo
ay unti-unti ng sumasarado
sapagkat wala na ang kamay mo
na hahawak ritosapagkat ikaw na ang may gusto na lumayo ako sa'yo
ninais mo ng espasyo
ngunit nag-iwan ka lang rin ng mas malaking puwang sa puso ko,
ang dating espasyo na laging tinatambayan moninais mong mawala ako
at maging blangko na lang sa buhay mo
munting puwang na matatakpan mo
mumunting 'wala' na hindi mo mapapansin dahil sa hindi naman kawalan ang isang tulad koninais mong maglaho ako
ninais mong umayaw na sa 'tayo'tatanggapin ko na lang ang lahat ng ito
sapagkat isa lang naman akong puwang na matatapalan mo ng kung sino,
isa lang naman akong 'wala'
na hindi mo makikita
dahil nga sa wala lang ako.credits sa idea: barbsminedez
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
ŞiirHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento