BAKIT PO GANUN?

87 3 0
                                    

Bakit po ganun?
ni: Kuya Ian

Inay? Itay?
Bakit po ganun?
Bakit 'di tayo magkakulay?
Bakit po ganun?

Inay? Itay?
Bakit po ganun?
Height natin ay kailanman 'di nagpantay?
Bakit po ganun?

Inay? Itay?
Bakit po ganun?
Hindi raw tayo magkakamuka?
Ganun rin po ba sa iba?

Inay? Itay?
Bakit po ganun?
'Di nyo po masagot ni isa sa daan daan kong tanong,
Bakit po ganun?

Inay? Itay? Bakit po ganun?
Madaming bumabagabag sa akin na tanong,
Pero 'di man lang kayo nagtangkang sumagot sa akin simula pa noon,
Bakit ganun?

Bakit po ganun?
Bakit po ganun?

Bakit po marami ang nagsasabing hindi tayo magkamukha?
na ang kilos natin hindi nagtutugma?
May itinatago po ba kayo?
Inay? Itay?
Mahal nyo po ba ako?

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon