Pulang Guhit ng Tinta
ni Kuya IanHawak sa libro, silip sa orasan
Tingin sa mga kamay na singbilis ng ikot ng elisi ng elektrikpan
ikot nang ikot nang ikot nang ikot-
hindi ka pa rin ba sanay sa paulit-ulit na pagpapaikot n'ya sa 'yo?gising pa rin kahit paputok na ang liwanag ng araw sa kalangitan
hanggang sa matuluyang mahilo
bumagsak sa higaan
hawak-hawak pa rin ang papel na naging parausan
ng mga mamahaling pluma na isang bagsak lang sa lupa ay tiyak na rereglahin na-
hindi ka pa rin ba sanay sa patuloy ng pagdugo ng puso mo dahil sa kan'ya?lumipas ang gabing nilunod ka sa mga panaginip
alas-quatro ng madaling-araw
tatayo sa higaan, pagod pa rin ang katawan sabay iihip
sa hangin na sana panaginip pa rin-
bakit hindi mo pa ipatangay sa hangin ang tinatagong damdamin na hindi mo maamin?Papasok sa eskuwelahan, pinagtitinginan
magisang naglalakad sa gitna ng karamihan
maraming kabatian pero walang tunay na kaibigan-
bakit ba lagi na lang tayong naiiwan?tutunog ang nakakarinding sigaw ng kampana
oras na para pumasok sa selda
kung saan ang pintuan ang mga malalamig na rehas at guro ang 'yong mga bisita
dala-dala nila sa pagdalaw ay mga yesong dinidikdik sa pisara
saka pakakainin ng mga araling pagkatapos ng ilang araw ay 'di mo na maalala
gaya ng mga papel na may mga katanungang hirap kang sagutan dahil hindi ka pa handa
dahil-
dahil hindi mo naman talaga nabasa nang maayos ang libro kagabi 'di ba?
hindi mo kasalanan-
kasalanan ng mga luha mong pinalabo ang paningin mo dahil hindi mo na kaya
dahil pagod ka na-
pipilitin mo pa rin ba?hanggang sa hindi ka na lang sa higaan babagsak
hinahabol ka ng mga palakol
sinubukan mong takbuhan sila at nagmadali kang umuwi sa inyo
pero hindi ka pa rin pala ligtas
kaya't pinilit mo ulit
buksan ang libro sabay silip sa orasan
hindi pa rin pala nagbabago ang bilis nito
kaya't sinubukan mong pamanhirin ang sarili mo sa pagtakbo ng oras sa pamamagitan ng pagsulat gamit ang mga sugat
pero hindi mo namamalayang mas lalo mo lang pinabibilis ang oras para sa 'yo...huwag kang masanay at sumabay sa pagpapa-ikot n'ya sa 'yo
matuto kang maghintay at magpahinga kahit ilang minuto'wag kang masanay sa pagdurugo ng puso mo dahil sa pagtarak ng matutulis na pluma rito,
matuto kang maglanggas at 'wag mong pamamanhirin ang sugat na sariwa
at baka sa huli'y wala ka na talagang maramdaman pa.'wag kang magpapatangay sa hangin
ikaw ang pumili sa daang gusto mong tahakin'wag na 'wag mong isiping nag-iisa ka
dahil may mga katulad mo rin na pinipilit labanan ang parehong sakit-
kahit sobra na ang sakithayaan mo ang mabilis na paglipas ng oras
pero 'wag na 'wag MONG pabibilisin ang oras.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesíaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento