TAKOT
ni Kuya IanKapag pumatak na ang kamay ng oras sa alas-dose
hindi ka na puwedeng lumingon sa katabi
yakap sa kumot, magtalukbong ng unan
'wag kang titingin sa ilalim ng higaan'wag kang sasagot sa bawat pagsitsit
'wag kang titingin sa bawat pagkalabit
hayaan mo ang malalamig na kamay na binabagtas ang mainit mong likuran
hayaan mo ang babaeng gusto ka lamang tabihanhayaan mo ang mga tumatawag sa pangalan mo
hayaan mo ang malamig na pagihip ng hangin na ikaw ang niyayakap
hayaan mo ang naririnig mong paghakbang at pagtapak
hindi ka nag-iisa ngayong gabi sa silid moMay batang nasa sulok, nakatitig sa 'yo
'wag kang titingin kung ayaw mong lumapit sa 'yo
tingin lang sa harap, 'wag kang lilingon sa likod
baka makita mo kung sino ang kanina pa sa 'yo sumusunodMay babaeng nakaputi, kanina pa umiiyak
mahaba ang suot at nakagayak
hayaan mo lang ang babaeng maputla d'yan
at baka ka sunda't sa pagtulog bantayan.'wag lalagpas ang mga paa sa kama
baka may humawak mamaya
takpan ang mga mata
hinaan ang paghinga
baka ka nila mapansin
at lumabas sila sa dilimhayaan mo ang mga multo na gumala sa loob ng kwarto mo
dahil ang totoong nakakatakot ay nasa loob mo.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento