"KABATAAN, PAG-ASA KA PA BA NG BAYAN? "

706 20 0
                                    

"KABATAAN, PAG-ASA KA PA BA NG BAYAN? "
ni: Kuya_Ian
Reverse Poetry

Basahin pababa:

Hindi na ikaw ang pag-asa ng bayan,
'wag mong isipin na
sayo isasaalang-alang ang bansang sinilangan,
sapagkat
wala ka ng patutunguhan.

Kasinungalingan na
kung sasabihin ko sayong
magiging masaya ka

ikaw ang bubuo ng mga problema.
tandaan mong hindi
sayo nakasalalay ang kinabukasan
itatak mo sa'yong isipan.

ikaw ang mag-aangat kay Inang Bayan,
Hindi totoo 'yan,
magiging pabigat ka lang sa hinaharap at lalong pabigat ka lang sa kasalukayan.

H'wag na h'wag mong iisipin na,
ikaw ang magiging pag-asa ng bayan.

Basahin pataas:

(kauna-unahang reverse poetry ko hehe)

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon