LIBRO

259 10 1
                                    

"Libro"
Maikling tula ni: Kuya_Ian

Nandito na naman ako,
Dala ang kwentong isinulat ko,
Hindi ko alam kung mababasa mo,
Pero gusto ko lang na malaman mo,
Na ikaw ang laman ng bawat pahina neto.

Sa unang pahina mo mababasa nung tayo ay nag-uumpisa pa lang,
Noong wala pang "mahal kita", puro batian lang,
"magandang umaga! Kamusta ka na? "
Paulit-ulit mong makikita,
Pero hindi ka naman nagsawa diba?

Buklatin mo pa ang mga sumunod na pahina,
Saka mo mababasa ang mga asaran at kulitan nating dalawa,
Doon mo mababasa ang masasayang sandali at bitawan ng matatamis na salita,
Pero hindi ka naman nagsawa hindi ba?

Sa mga sumunod na pahina ng librong sinulat ko,
Mababasa mo ang bawat pagseselos ko,
Ang bawat pagtatalo,
Ang bawat sakit na naidulot mo,
Pero mahal, hindi naman nagsawa yung puso ko sayo...

At sa dulo ng aklat na ito,
Mahal, mababasa mo rito,
Ang parte ng kwento na ito,
Kung saan sawa ka na sa may-akda nito...

Nakakatuwang isipin na kahit anong gawin mong pagmamahal sa kanya,
Magsasawa't nagsasawa pa rin sya sa inyong dalawa,
Kasi luma na ang nobela na ginawa ko,
At gusto mong pumasok naman sa ibang libro.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon