BILOG NA MUNDO, KAHONADONG TAO

139 5 0
                                    

#DEPRESSION
#LDAROUND2

TITLE: Bilog na mundo, kahonadong tao
ni: Kuya Ian ( Ian James Domingo )
04/15/18

sa mundong bibilugin
isipan ma'y pilitin
kakahunin lamang din
ng kalipunan natin

sa mundong bibilugin
isipan ma'y pilitin,
kahunin ma'y isipin
may pinto't lalaya rin

nalulugmok sa tabi
kinakain ang ngiti
namutawi sa labi
dilim, kirot at hapdi

nakahiga sa kama
kulong pati ang diwa
pilit pinapalaya
subalit nasa hawla

ligong ligo sa luha
walang ekspresyong mukha
tumutulo ang tubig
sa sahig na may lubid

nag-isip panandali
buhay ba na may kulay?
o buhay sa may hukay?
h'wag mag-isip ng gan'yan.

isip lumalaya na,
nakakadesisyon na,
depresyon ay iwan na,
iyong kalimutan na

iahon ang sarili
h'wag ka magpapahuli
sa humahabol sa'yo
piliti't harapin mo

harapin mo'y sarili,
ang s'yang nagpanatili
sa iyong pagkababa
sa iyong pagkakaba

hindi hadlang ang bilang
nitong ginawang tula,
kaya kayanin mo ring
limitasyo'y talunin.

(pipituhing pantig)

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon