Gusto ko lang na malaman mo na hindi kita tatawagan kapag lumapat na ang mga patpat na daliri ng orasan sa alas-dose para sabihin kung gaano ka kahalaga
Hahayaan kitang mag-isa
Hahayaan kitang tahimik magmasid sa mga nagkikislapang pailaw sa madilim na kalangitan
Hahayaan kitang magmuni-muni at bumalik sa pagkabata
Hahayaan kitang bumalik sa pagkabata hanggang sa bumalik ka sa kung kailan tayo unang nagkabangga
Hahayaan kitang sumilip muli sa dati nating pagsasamaUpang sa pagbilang ng tatlo...
Dalawa...
Isa...Kasama mo ako...
Kasama mo ang mga luma nating alaala.Takot akong mawala sa 'yo
O mawala man lang iyong nabuo nating alaala,
Ganoon ka kahalaga...
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento