Ikaw ang unang humawak sa aking mga kamay.
Sakto.
Ikaw ang hinintay nilang kumumpleto sa kanilang mga puwang.Ngunit bumitiw ka.
Hindi naman ako pasmado para dumulas ang mga kamay mo
Ngunit kung sakto, bakit nakakalas ka pa rin sa higpit ng pagkakahawak ko?Bumitiw ka
Ngunit kabisado pa rin ng mga kamay ko ang bawat guhit ng iyo.
Ang hindi sobra at hindi masyadong pagpapawis nito.
Kaya kabisado na rin nito ang amoy ng iyo— nanunuot sa bawat espasyo.Ngunit bumitiw ka.
Bumitiw ka.Kaya ngayo'y amoy na lang ng sigarilyo ang kumapit sa mga kamay ko.
Hindi ko mapigilan at napayosi na lang ako
Matapos kaming magtalik ng mga alaala mo.-Kuya Ian
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento