Ini1 para kay 2
ni: Kuya Iansa totoo lang
hindi ko alam kung paano ko sisimulan itong akda
gaya ng kung paanong nagsimula ang tayo
at hindi ko na rin alam kung paanong magsimulang matapos ang ikaw at akobakit s'ya pa ang pinili mo mahal?
e ako naman ang naunang nagparamdam sa'yo ng init ng pagmamahal,
e ako naman ang nauna sa'yo mahal,
pero bakit nagkaroon ng bagong tauhan dito sa aklat
dito sa kwentong ang pluma ko ang ipinanulat,
hindi pa ba sapat?
na ako ang unang may masasandalan mong balikat,
na ako ang unang naglanggas sa 'yong mga sugat,
na ako ang sa musika mo'y naglagay ng titik at naglapat,
na ako ang hindi nagparamdam sa'yo ng pagkukulang mo at sa sarili mong pagkasalat,
na ako ang nauna sa lahat?
hindi pa ba ako sapat?
hindi ba maganda ang pagkasulat
o hindi ka nagagandahan sa pabalat?
hindi ba maganda ang pagkakagamot sa'yong mga pilat,
at ikinagagalit mo ang pagmarka at pagkasulat ng mga sugat sa'yong balat?
mali ba na markahan kita,
sapagkat ako naman ang nauna,
at lagyan ko ng palatandaan
na sa akin ka simula pa sa umpisa at hanggang dulo ay akin ka lang?
mali ba?
at tama ba,
ang ginawa mong pag-iwan?siguro oo,
dahil kung sapat na ako sa una hanggang dulo,
wala ka ng mahahanap na kapalit sa tulad ko,
at kung sapat na ang pagiging una ko,
hindi ka na maghahanap ng number two.( Hindi ko kinaya na hindi sumulat e hahahaha kaya welcome back sa akin hahahahaha. )
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesiaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento