PAANO MANLIGAW ANG WALA PANG TRABAHO
ni: Kuya IanANAK:
" 'nay, 'tay manliligaw na sana ako,
meron po ba kayong naitabi para sa nililigawan ko?
kaunting pera lang naman po,
hindi naman po aabot sa limang libo,
pagbigyan nyo po sana ako,
cornetto lang po ang maaabot ng inabot ninyong bentesingko.'nay, 'tay binata na po ako,
may nililigawan na po ako,
may naitabi po ba kayo d'yan baka lang naman po?
pambili lang po ng rosas at ng cake ng tig-isang libo?
malaki naman po iyong bibilhin ko,
sa inyo na po ang tangkay at tinik ng rosas na bibilhin ko,
titirhan ko na rin po kayo ng cake kasama na rin 'yong kandila't posporo.'nay, 'tay sinagot na po n'ya ako,
gusto n'ya raw po ng mamahaling relo,
baka naman may sweldo na kayo?
babayaran ko na lang po sa unang sahod ko,
'pag nagka trabaho na ako,
kaso mukhang hindi pa po sa katapusan ng mayo,
'wag n'yo po sana kalimutang kinse pa lang ako,
at ayaw akong tanggapin sa Jollibee at McDo,
dahil raw po sa ugali ko,
pero babayaran ko po,
unang sweldo makakaasa kayo.'nay, 'tay break na po kami noong mahal ko,
sabi n'ya kulang pa raw ang ibinibigay ko,
hindi naman raw totoong ang alahas na binili ko,
hindi rin daw po masarap ang pa-buffet ko,
hindi rin daw po s'ya nasisilaw sa ginto,
pero kulang pa rin daw po ang mga regalo ko."MAGULANG:
"anak, ubos na rin ang pera naming magulang mo,
ibinigay na namin ang gusto mo,
at tila nadagdagan ka pa ng kapatid na bunso
sa dami ng hiling ng nililigawan mo,
ngunit ipagpapatuloy namin ang pagkayod para sa 'yo
ngunit sana h'wag mo munang unahin ang makakasagabal sa pag-aaral at kinabukasan mo,
at isipin mo kaming nagpapakahirap para sa'yo,
ipagpapatuloy namin ang pagtatrabaho
kahit ubos na ang pera pati ang lakas naming magulang mo,
pero ayos lang sapagkat napapalitan ang pera hindi ikaw na anak ko,
ngunit sa pagtanda mo ikaw naman sana ang magtrabaho para sa amin, anak ko,
bago ka maghanap ng asawa at magtrabaho para buhayin ang mag-ina mo,
unahin mo sana kaming magulang mo,
bago maubos ang nalalanghap naming hininga at hindi pa bilang ang oras namin sa mundo. "gan'yan manligaw ang wala pang trabaho,
aasa sa magulang hanggang sa maabuso,
ngunit babalik sa magulang kapag nabiyak ang puso,
pero hindi na babalik ang perang pinaghirapan ng magulang at nagasto.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento