TI(WALA)

119 3 0
                                    

TI(WALA)
ni: Kuya Ian

Ang piyesang kong ito
Ay hindi tungkol sa kakulangan sa tiwala
kundi ang kaubusan nito
unti-unting pagkawala ng pagtitiwala

mahal,
hindi ko kailanman gugustuhin na mabuhay ako
sa mundong gawa gawa lang at kuro-kuro
ayaw kong mabuhay sa mundong puno ng kasalanan
at purong kasinungalingan

mahal,
handa akong masaktan
at malunod sa dagat ng katotohanan
kaysa mabuhay pa at magpalutang lutang
sa ilog ng kasinungalingan

mahal,
gusto ko lang malaman mo
na kahit anong pagtatakip mo
para hindi mo masaktan ang tulad ko
ay hindi epektibo
sapagkat noong malaman ko ang totoo
mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko

mahal,
gusto ko lang malaman mo
na sa sobrang pagmamahal mo
at ayaw mo na masaktan ako
ay nagagawa mong itama ang mali
kahit isa rin iyong pagkakamali
sana ay malaman mo

mahal,
pasensya na
ngunit sa pagkakataong ito
ang nabasag na
ay hindi magbabalik anyo ng kusa
ngunit sa panahong gumaling na
pasensya na
ngunit ang lamat ay guguhit ng diretsong daan para makita mismo ng dalawa mong mata
na tama na

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon