Una at Huli
ni: Kuya Iansa lahat ng bagay e laging maiuugnay ang una at huli,
gaya na lang ng minahal ka sa una at lolokohin ka rin sa huli,
pero sa'yo ako nagkamali,
sapagkat ikaw ang una hanggang huli,
ikaw pa rin ang iibigin kung iibig pang muli.ikaw ang una't huli
na makakadampi sa aking mga labiikaw ang una't huli
na magbibigay sa akin ng ngiti.ikaw ang una't huli
na makakahuli
sa aking mga kilitiikaw ang una't huli
na durugtong sa nakakonektang pulang tali
sa puso ko
at ikaw ang nasa dulo.ikaw ang una't huli
na sa puso ko ay babali
pero ikaw rin ang una't huli
na lalanggas ditong muliikaw ang una't huli
na magpapaliit ng puso ko
ngunit ikaw rin ang huli
na babanat muli
upang makapasok rito.ikaw ang una't huli
na sasagip sa akin mula sa pagkalunod
ang unang sasagip sa akin mula sa aking pagkaanod
ang huling magliligtas sa akin mula sa pagkahulog
sa lalim ng nararamdaman ko sa'yoikaw ang una kong mamahalin
at hanggang sa huli ay ikaw pa rin.art by: pinyapplejaas
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento