"PARA SA NATITIRANG ORAS"
Ni: Kuya_IanApat na sulok ng kwarto ay mababakante na naman,
Mapupuno na naman ng alikabok ang mga kagamitan,
Paubos na ang oras, tag-init na naman,
Tapos na ang oras, maghihiwalay na naman.'di na maitatangging lahat ay may katapusan,
'di na mapipigilan, matatapos na naman,
ang oras na para sana sa ating pagsasama,
huli na pala ng ating pagkikita.Kamag-aral! Kaibigan! Kabiruan! Kaharutan!
Tatahimik na naman mundo ko't wala ng maririnig na daldalan,
Mananahimik na naman ako't wala ng kaharutan,
Malulungkot na nama't patapos na ang kasiyahan,
Lubus-lubusin na't matatapos na ang buwan.Mga guro na nagsilbi na naming magulang,
natiis ang kaguluha't kalokohan,
saludo ko't tatanawin pa rin kayo sa nakaraan,
sa kadahilanang wala ako sa lugar ko ngayon kung wala ang inyong karunungan.Paalam na mga kaibigan,
katapusan na naman,
wala e, di talaga mapipigilan,
Hanggang sa uulitin!
salamat uli sa mga alaala natin!
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
ŞiirHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento