2021
BY WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Matapos ang isang taon na buhat ng lumaganap ang COVID 19 na halos buong mundo ang naapektuhan..
Ito nga ay natapos na rin sa taong 2021 maraming nagbago sa mundo ng dahil sa nasabing virus na sadyang mapaminsala..
Maraming kumpanya ang nalugi, at bumaba ng husto ng ekonomiya ng bawat bansa sa mundo, pero ang pinaka malungkot ang mga mahihirap ay mas lalong naghirap dulot ng epidemya silang mga isang kahid isang tuka makakain lamang..
Sa katanuyan pa nga...
Mas marami ang nahawang mga mahihirap at humantong ang karamihan sa kamatayan sa nasabing Virus.
Dahil na rin sa wala silang protekyon, tulad ng Facemask, Sabon at Alcohol na pangunahing kailangan upang makaiwas sa mapanganib na Virus...
At kagagawan ito ng mga taong may mga makasariling pag iisip...
Mga taong namamakyaw ng mga higit na kailangan na mga bawat isang tao sa mundo sa Delubyong dulot ng Virus..
At masama pa rito ibinebenta nila ito sa online na triple pa ang presyo para kumita ng limpak limpak na salapi..
Isang makasariling pag iisip...
Kaya sa pagtatapos ng CORONA VIRUS, SA year 2021....
Nagtatag ang isang lihim na organisasyon para pagbayarin ang mga taong nanamantala sa gitna ng lumalaganap na Virus at pagbabayarin nila ito ng sarili nilang buhay at iniisa na silang sa kasalukuyan...
-------------
Si Marky ay naglalakad ng gabing iyon sa isang eskinita patungo sa kanilang tahanan, galing siya sa kaniyang Grocery sa palengke at kakasara lamang niya.
Nang biglang may humarang sa kaniyang dalawang lalaki, na pawang naka Facemask at nakasumbrero para matago ang kanilang pagkakakilanlan..
Bahagyang napaatras si Marky, para iwasan agad ito..
Pero agad siyang pinakitaan ng dalawang lalaki ng baril..
----------
"Kung sisigaw ka, o manlalaban ka? dito pa lang itutumba ka na namin."Pagbabanta ng isa sa dalawang lalaki.
"Teka para saan ba ito?" Pagtataka ni Marky at nakataas na ang kaniyang dalawang kamay..
-----------
At bigla na lamang may sumulpot pang isang lalaki sa kaniyang likuran, at agad siya nitong hinampas ng hawak niyang baril para mawalan ito ng malay...
At dali dali nila itong isinakay sa kanilang KOTSE at agad na umalis tangay si Marky.
Nagising na lamang si Marky, matapos siyang hampasin ng baril...
Sa isang lugar kung saan marami pa siyang kasama...
At siyA nga ay nasa isang kulungan, kasama ang sampu pang kasama niya sa selda..
May sampong selda sa kulungan na iyon at ang bawat isang selda ay may sampong preso...
At may Warden na laging nakabantay sa kanila...
Lahat ng preso ay nakaposas pa rin ang mga kamay sa loob ng selda, at may bakal din na nakakabit sa kanilang mga paa, mabigat ito dahil nasa ANIM NA KILO ang bakal sa kanilang mga paa, iyon ay upang hindi sila madaling matakbo.
Masyado silang mahigpit sa kanilang mga preso, talaga nga namang walang silang balak patakasin ang mga ito.
-----------