REALITY MOVIE CHP 3

17 0 0
                                    

REALITY MOVIE
MOVIE INVASION
PART 2
CHAPTER 1

Matapos ng unang subok ng REALITY MOVIE Virtual Game na ginawa ni Prof. Gooden. Naging popular na ito hindi lang sa bansa nila kundi sa ibat bahagi ng mundo.

At naging instant sikat na rin ang kauna unangang limang contenders ng larong iyon na sila Tyrese, Josh, Rocco, Gamby, at Alice na siyang unang nakatapos ng laro.

Ngunit isang hindi inaaasahang magaganap ang mangyayari sa larong REALITY GAME na ikapapahamak ng buong mundo...

Isang taon magbuhat ng sumikat ng husto at tinangkilik ng karamihan ang Reality Movie Virtual Game na pwede na rin laruin kahit sa bahay lamang. Dahil sa mga bagong gawa ni Prof Gooden kung paano mas madaling malalaro ito na hindi na kailangan pumasok sa isang cube at kabitan ng maraming aparato.

Dahil ngayon isusuot mo na lamang sa iyong mga mata na parang salamin. Ang Larong Reality Movie Virtual Game at may micro chip ito na komokonekta sa isip mo. Upang sabihin sa utak mo na tunay ang lahat ng nagaganap at malalaman mo na lang na nasa laro ka lamang sa sandaling ma game over ka na.

Kaya naman mas lalo pa itong tinangkalik ito ng mga tao ang larong ito. Dahil para talaga silang nasa eksena at tila ba tunay lahat ng nagaganap. May mga dinagdag pang mga Horror Movie si Prof Gooden. Tulad na lamang ng Child play, Friday the 13th, The Thing, The Ring, Slenderman, Chainsaw Massacere at marami pang ibang Horror Movies.

Ngunit pitong Random movie lamang ang mapupuntahan mo sa bawat sandaling lalaruin mo ang Reality Movie Virtual Game. Kaya mas nakaka engganyo ito laruin dahil hindi mo alam kung saan movie ka mapupunta.

At sa kasulukuyang kasikatan ng laro sa loob ng isang taon. Hindi rin maiwasan ang masamang epekto nito sa mga kaisipan ng tao na labis na naapektuhan ng laro. At ang mga isipan ng ilang tao na ito na kahit wala na sila sa game ay nanatili pa rin ang kamulatan nila sa mundo ng Reality Movie Virtual Game.

At nakakaranas ng matinding halusunasyon at napabalitaan na lamang na dalawa sa gamer ng Reality Movie Virtual Game. Ay namatay na dilat ang mga mata at nakanganga pa ang mga ito na wari bang may nakita silang katakot takot at hindi nakayanan ng kanilang pusot isipan at sila ay namatay na dilat ang mga mata. Hindi lang ang dalawang ito ang mga gamers na nasawi meron pang iba.

Patuloy ang pag iimbestiga sa labi ng dalawang nasawing gamer. Ang mga kamag anakan ng mga ito ay labis na nagdadalamhati at wala naman silang masisi sa sinapit ng kamatayan ng kanilang kaanak na parehas Gamer.

Samantala sila Tyrese, Josh, Rocco, Alice at Gamby ay medyo guminhawa na ang buhay dahil nga sa perang pinagkaloob sa kanila ni Prof Gooden. Ng mag presinta silang maging unang Gamer sa larong kaniyang nilikha

"Instant sikat na tayo lalo na si Alice First Gamer na nakatapos ng laro." Sabi ni Tyrese..

"Sinewerte lang ako.. Siyempre dahil sa inyo kaya ako nag wagi." Sabi ni Alice.

'Pero maiba tayo nabalitaan ninyo na rin ba may mga ilang nagkakandamatay na gamer... Nakapagtataka kung bakit pareparehas gamer?" Pagtataka ni Josh.

"I think may gumagawa ng pagpaslang.. Para siraan ang game..." Sabi agad ni Rocco.

"Hindi rin tayo nakakatiyak isipin ninyo namatay yung dalawang gamer na dilat ang mga mata.. Na animoy may nakita silang labis na nakakatakot." Sabi ni Gambi.

"Kaya nga eehh.. Pero may mga gamer rin na tadtad ng saksak at natagpuan na lang patay sa BathTub at animoy naliligo na sariling dugo.' Sabi ni Alice dahil dumarami pa ng bahagya ang mga gamers na namamatay.

"Dahil nga ba sa game? O may killer na gustong sirain ang laro? Pero ano pa man sa dalawang iyon kaawaawa ang mga gamers na nasawi." Sabi ni Gambi.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon