LAYA

12 0 0
                                    

MALAYA
AUTHOR WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

Ang saya umuwi sa bahay lalo na at madadatnan mo ang iyong minamahal at ang iyong anak na tila isang prinsesa sa inyong tahanan. Napapawi ang pagod ko makita ko lang silang mag ina ayos lang kahit wala akong madatnan na pagkain na nakahanda sa aming mesa.

Ayos lang kahit magulo at hindi niya nililinis ang bahay.

Ayos lang kahit walang halik at yakap nila ang sasalubong sa akin ang mahalaga nandito sila.

Wala na akong maihihiling pa masaya ako kasama ko sila magpasahanggang ngayon.

Sinanay ko ang sarili na ganito sa aming munting tahanan matapos ng maghapong trabaho gusto ko umuwi agad sa bahay at ipagluluto ko ang asawa at anak ko. Sabay kaming kakain kahit hindi naman nila kinakain ang luto ko masarap man o hindi ang pagkakaluto ko.

Masaya na ako na kasabay ko sila sa pagkain hindi man sila kumikibo ayos lang basta nasa tabi ko lang sila. Dahil sila ang buhay ko at ligaya kay tahimik ng bahay namin dahil ako lang ang nagsasalita sila ay nasa isang tabi lamang..

Alam ko naman iba na ang mundo ko sa kanila pero hindi ko sila magawang pakawalan dahil sila ang saya sa buhay kong ito. Ngunit sa kanilang mga mata dama ko ang kalungkutan nila dahil magpasahanggang ngayon hindi ko pa rin sila kayang pakawalan kahit na matagal na silang patay....

Ngunit kailangan ko na siguro tanggapin na wala na sila sa buhay ko dahil bagamat hindi sila lumuluha ramdam ko na nais na nilang kumawala sa piling ko at magtungo kung saan man sila nabibilang ngayon.

Isang ngiti ng pamamaalan ang iginawad ko sa aking magina na mga kaluluwa na lamang.

"Salamat at patawad dahil kinulong ko kayo sa bahay na ito sa kagustuhan kong makapiling kayo nang mas matagal pa.  kahit na alam ko kayo ay patay na.

Nakulong kayo at nanatili sa bahay na ito dahil sa labis na aking kalungkutan magbuhat ng namatay kayo. At dahil doon hindi kayo makapunta sa dapat ninyong patunguhan."

Sabi ko sa aking mag ina kasabay ng aking luha matapos nun nakita kong lumapit sila sa akin sa huling sandali pinagmasdan ko ang mga mukha nila na pawang mga nakangiti na.

"Asawa ko at anak ko malaya na kayo mahal na mahal ko kayo"sabi ko sa kanila.

Matapos nun ipinikit ko ang aking mga mata nakaramdam ako ng isang malamig na pakiramdam na bumalot sa aking katawan. Alam kong iyon ay mga yakap nila bilang isang pamamaalam.
Pinalaya ko na ang pamilya ko dahil iyon ang tama kahit gaano man ito kasakit sa akin.

magkaiba na ang mundo namin pero balang araw magiging isa rin ang mundo namin at hahanapin ko sila sa kalangitan..

Magmahal..
Ngunit matutong magpalaya lalo na kung sa tingin mo iyon ang nararapat gawin dahil ang relasyong pilit walang happy ending..

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon