WEEH PSYCOPATH KA?

23 0 0
                                    

WEEH PSYCHOPATH KA?
BY WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

You tube Channel
(KANTOKUTAN HORROR STORY)

Si Gibson ay isang lalakeng napakahilig manood ng mga Serial Killer Movie. Nakaugalian na niya manood ng mga ganoon tema mula pa nung bata pa siya. Sa katunayan bihira lang siya manood ng mga malalaswang palabas mas gusto pa niya manood ng paulit ulit ng isang Movie lalo kapag may psychopath killer na pumapaslang. tuwang tuwa siya sa kung paano pumaslang ang mga ito na animoy walang puso at walang konsenya sa buhay ng iba

At kung nabibilib na siya sa mga Serial Killer Movie na kadalasan ay mga fiction lamang mas nabibilib pa siya sa mga Totoong Killer sa mundo na kaniyang pinapanood sa mga Documentary at ilan ay binabasa niya sa mga Novel. At nagdulot iyon sa isipan niya ng isang katanungan na kung ano nga ba talaga ang pakiramdam na pumaslang ng isang tao.

"Gusto ko pumaslang..
Gusto ko ma experience kung gaano ito kasaya? Kung gaano ito ka satisfied sa mga serial killer na napapanood ko at nababasa ko! Gusto ko..
Maranasan ko sa sarili ko!"sambit ni Gibson habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin habang hawak ang isang kitchen Knife.

Sobrang desidido na siya pumaslang sobra na siyang nasasabik makadinig ng mga sigaw ng pagmamakaawa.

"Gagawin ko na talaga! Totoo na ito gagawin ko na....
Lalabas na ako at maghahanap ng biktima."pag kumbinsi pa ni Gibson sa sarili halos araw araw, at gabi gabi niya kinukunbinsi ang sarili na pumaslang subalit umaatras nga siya bandang huli pero ngayon sobrang desidido na talaga siya pumaslang.

Malalim na ang gabi..
At ito na rin ang tamang pagkakataon para mag hanap ng mabibiktima.

"Babae..
Isang babae dapat ang target ko.."sambit ni Gibson sa sarili habang nasa madilim na eskinita.

Matiyaga siyang naghintay sa madilim na eskinita na kaniyang mabibiktima. At hindi nagtagal nag bunga rin ang paghihintay niya isang babae nga ang dumaan na sa isang madalim na eskinita.

"Dumating na ang una kong biktima ang unang magpaparanas sa akin kung gaano kasaya ang pumaslang."muling sambit ni Gibson.

At sa paglagpas sa kaniya ng babae agad na niyang sinundan ito upang takpan ng panyong may pampatulog ang ilong nito. Wala ng pagsigaw pa ang nadinig sa babae dahil agad itong nakatulog. At dali dali naman ito inakay ni Gibson para dalhin sa kaniyang apartment upang ito ay torturin.

At sa muling pagbabalik ng kamalayan ng babae nakagapos na ang paa at kamay nito habang nakaratay sa kama.

"Gising ka na pala? Mabuti naman
Hinintay ko talaga ang paggising mo para kahit paano maayos ang huling tulog mo na magigising ka pa."nakangising sabi ni Gibson dahil dapat ngumisi siya na parang isang Psychopath Killer na napapanood niya.

"Omg!!! Ikaw ba yung stalker ko...
At nagawa mo pa akong dukutin para pagsamantalahan? Grabe ka naman!
Sa akin! Kahit hindi ka ka gwapuhan papayagan naman kita ligawan ako eehh... Wala naman sa mukha yan nasa magandang kalooban yan..
Pero itong ginawa mo? For sure na....
Wala kang magandang kalooban..
Torpe ka lang siguro!!!
Kaya pa stalk stalk ka lang!"pagkainis sa kaniya ng babae.

"Anong pinagsasabi ng babaeng ito? Napakadaldal naman niya dila kaya niya muna ang una kong alisin."sa isip isip naman ni Gibson.

"Torpe!!!!!!!!!!
Stalk pa more!!!!!!"muling sabi sa kaniya ng babae na inis na inis sa kaniya.

"Pambihirang babae ito...
Tignan na lang natin kapag sinumulan na kitang torturin!" sambit ni Gibson sa isipan niya habang nakangisi pa ito.

"Pangisi ngisi ka pa! Wala ka naman dimple na para i ka cute mo! huwag mo na ipilit!"muling sabi ng babae sa kaniya.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon